Hindi ka iiwan ng tao na walang dahilan. Maaring hindi mo lang alam, maaring hindi lang niya binibigay ang rason kaya mo nasasabing basta ka na lang niya iniwan. May mga bagay na hindi na lang sinasabi dahil no use na rin kung sabihin, kumbaga para saan pa at magpapaalam na lang rin hindi ba?
Pero ang mahirap dun eh yung taong nagmamahal na naiwan, kumbaga mag-isa na lang siya sa buhay niya, iniwan na nga siya, tapos namromroblema pa siya ano yung dahilan saan siya nagkamali. Tipong ginawa mo naman lahat ang gusto niya pero walang epekto pa rin.
Napakahirap nga naman kapag wala ng natitirang pagmamahal sa relasyon, kapag nagsawa na mahirap na ibalik eh. Kung yung paborito nga nating pagkain kung araw-araw mo kinakain eh pagsasawaan mo rin. Nakakalungkot lang na habang nasa kalagitnaan ka ng pagmamahal eh bigla ka na lang iiwan na hindi mo alam ang dahilan.
Siguro ok na rin yung iwan ka na lang niya kung hindi ka na mahal, kesa naman mag stay sa relasyon na puro away na lang at wala ng nararamdaman hindi ba? At least, namulat ka na agad sa katotohanan na hindi na kayong dalawa.